Saturday, September 18, 2010

Magaral at HUWAG Maglovelife

hindi ko alam kung anung demonyo pumasok sa utak ko at parang nagustuhan kong magaral na lang at huwag ng magextra curricular activities (ECA) , tulad ng paglolovelife, lovelife, at lovelife,,

hindi ko din alam kung bakit nakakaranas ako ng pagkabangag ngaun gabing ito,, pagkakaalam ko naman ee hindi kabilugan ng buwan! parang kung anung droga ang pumasok sa tenga ko at bigla inabsorb ng katawan ko! (ganyan ako magdroga, sa tenga ang pasok ) ..

bakit nga ba! don't tell me nabahaginan na ako ng GC spirit ni MAIGTING, LEGASPI, PAYOS, ADRIANO, etc (para sa mga di nakaaalam, sila ang mga walangya kong kaklase :) juk lang ) ..

napagtanto ko lang, puro lovelife na lang ang iniisip ko last weeks,, ewan ko din kung bakit,, takte, dahil siguro sa pagsuper unli ko at kung sino sino ang mga natatawagan kong mga ewan :) haha,, joke lang..

tatlong bagay ang nakulta sa utak ko! (tungkol to sa lovelyF!)

1. walang akong girlfriend, pero fil ko meron (yan ang mahirap sa MU! )

2. namimili ako sa dalawang tao na walang koneksyon sakin at alam kong mabubuhay kahit wala ako! ( yan ang mahirap sa MU na may kahalong extrang babae ) ..

3. hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami rami ng araw sa isang linggo bakit ngayon ko lang narealize na ganun pala ang dapat kong gawiN!! ( ang magARAL na lang !! )


ngaun naiintindihan ko na ang mga heartbroken na nilulong ang sarili nila sa trabaho,, ako hindi ako heartbroken pero gusto kong malulong sa PAGAARAL! (kahit korning pakinggan)


sa aming pagchachat namin ng pinakamamahal kong kaibigang si Lorelie Merced Santos, natype ko na lang na :

" kaya nga,, kaya magaaral na lang ako ng mabuti!> hindi ko alam kung kelan mawawala tong pagmamahal ko sa pagaaral pero gusto kong magkaron ng masamang bisyo,
at iyon ay ang pagaaral!"


ayun,, pero tuloy pa rin ang GOAL ko !! makaipon ng 2million bago magpakasal! may sariling bahay, may stable na trabaho, at siyempre manatiling guwapo !! wahahahaha


oo masaya ang lovelife sa HIghskul o mapacollege man iyan,, pero minsan isang araw mamumulat ka na lang sa katotohanan na MINSAN!! ang lovelife isang distraksyon para hindi mo maabot ang pangarap mo, magmuka man akong brutal sa sinabi ko , un ang palagay ko,, hindi ko alam kung bakit ko nagawa ang blog na ito,, siguro dahil datapwat sapagkat, bagamat. wala lang akong gustong gawing produktibo kaya nagaaksaya ako ng oras sa paggawa nitO :))



- Joshua Alarcon....

1 comment:

  1. kaya nga eh! hirap maglovelife. hirap kapag di ka sigurado kung meron o wala! haha

    ReplyDelete