siguro pag narinig ng iba yan, may tendency na umiyak at magtatanong ng "bakit, so ganun na lang un?" yan ang sitwasyon ng mga magsyotang nagkalabuan..
ung iba naman "sige tara break na tayo, gutom na ako eE " , yan ung sitwasyon sa loob ng klasrum..
hmm,, mabalik tayo sa first situation,, bakit ba nagbbreak ang magsyota? tae, dami ko ng kakilalang nagbbreak, siguro kasama na yan sa life cycle ng mga tao, may magbbreak, biglang may darating at magiging sila at break, tapos pag may dumating at pag naisip mo na pakasal na, ganung cycle. pero bakit nga ba?? ..
mga rason para sakin :
1. sawa na!
2. sakal (kadalasang nagiging dahilan promise!)
3. may pinag-awayang malupit, ( katulad ng third party, etc)
4. misunderstanding (parehas lang nung number three, pero dito sa rason nato, pumapasok ung mga TH - tamang hinala ) ..
5. nung una pa lang trip lang ang relasyon,
6. naiisipan (dahilan nito number5)
7. family problems (ung tipong romeo and juliet, at ung tipong pang tv na nangyayari sa mga magsyotang mag-amo, ung amo at katulong, ung ganun).
okay kung may naiisip pa ang mga mambabasa nito ee sainyo na lang un,, at eto lang ung naiisip ko :)..
so kailangan ba talaga ang break ups??
YES - bakit? minsan maganda ng magbreak kayo lalo na kung nagkakasawaan kayo, at trip nio lang talagang maging kayo first day pa lang ng walangya niyong relasyon. minsan din kasi ang pangit nung sabi niyo nga KAYO pero MINSAN lang niya pinadama, at saka minsan maiisip niyo hindi pala siya ang para sa'yo ...
NO - bakit? applicable ang sagot na ito sa reasons 2-4, kasi pede pang mapagusapan ng maayos, and, ewan, parang minsan hirap din kayang maghanap ng magiging karelasyon mo lalo na kung choosy ka ( hmm FYI NGSB po ako :) ).. ayon,, then pag napagusapan niyo na, mamili ulit kayo kung itutuloy niyo ung pagbbreak niyo ... :)) ahahah
conclusion :
minsan masakit ang break ups, pero minsan nakakapagpaluwag pa ito ng dibdib kasi , makakawala ka na at hindi mo na kailangang masaktan pa pag kayo parin ( ang gulo )...
aun,, napagtripan lang gumawa ng blog :)
--joshua alarcon
No comments:
Post a Comment