Saturday, September 25, 2010

Break Na Tayo

hmm,, pag narinig niyo ba yang mga katagang yan anung unang pumapasok sa isip nio,,

siguro pag narinig ng iba yan, may tendency na umiyak at magtatanong ng "bakit, so ganun na lang un?" yan ang sitwasyon ng mga magsyotang nagkalabuan..

ung iba naman "sige tara break na tayo, gutom na ako eE " , yan ung sitwasyon sa loob ng klasrum..

hmm,, mabalik tayo sa first situation,, bakit ba nagbbreak ang magsyota? tae, dami ko ng kakilalang nagbbreak, siguro kasama na yan sa life cycle ng mga tao, may magbbreak, biglang may darating at magiging sila at break, tapos pag may dumating at pag naisip mo na pakasal na, ganung cycle. pero bakit nga ba?? ..

mga rason para sakin :
1. sawa na!
2. sakal (kadalasang nagiging dahilan promise!)
3. may pinag-awayang malupit, ( katulad ng third party, etc)
4. misunderstanding (parehas lang nung number three, pero dito sa rason nato, pumapasok ung mga TH - tamang hinala ) ..
5. nung una pa lang trip lang ang relasyon,
6. naiisipan (dahilan nito number5)
7. family problems (ung tipong romeo and juliet, at ung tipong pang tv na nangyayari sa mga magsyotang mag-amo, ung amo at katulong, ung ganun).


okay kung may naiisip pa ang mga mambabasa nito ee sainyo na lang un,, at eto lang ung naiisip ko :)..

so kailangan ba talaga ang break ups??

YES - bakit? minsan maganda ng magbreak kayo lalo na kung nagkakasawaan kayo, at trip nio lang talagang maging kayo first day pa lang ng walangya niyong relasyon. minsan din kasi ang pangit nung sabi niyo nga KAYO pero MINSAN lang niya pinadama, at saka minsan maiisip niyo hindi pala siya ang para sa'yo ...

NO - bakit? applicable ang sagot na ito sa reasons 2-4, kasi pede pang mapagusapan ng maayos, and, ewan, parang minsan hirap din kayang maghanap ng magiging karelasyon mo lalo na kung choosy ka ( hmm FYI NGSB po ako :) ).. ayon,, then pag napagusapan niyo na, mamili ulit kayo kung itutuloy niyo ung pagbbreak niyo ... :)) ahahah


conclusion :

minsan masakit ang break ups, pero minsan nakakapagpaluwag pa ito ng dibdib kasi , makakawala ka na at hindi mo na kailangang masaktan pa pag kayo parin ( ang gulo )...



aun,, napagtripan lang gumawa ng blog :)


--joshua alarcon

Crescent moon

wew,, ganda ng kantang to ni charice,,

speaking of charice, tae napanuod ko ung mga performance nia sa glee,, i don't know, tae, kasi siya ee,, galing galing :),, naunahan akong magaudition sa glee,, dapat ako nandun ee :) ahaha,, well ,, conclusion lang sa kasikatan niya, buti na lang hindi siya nanalo sa LITTLE BIG STAR, kasi if nanalo siya dun, edi tali na siya dati pa sa 2 at di na nagupload ng mga kanta nya sa youtube, kaya hindi na siya madidiscover ng star king which nagpasikat talaga sa kanya niya ngaun,, tapos hindi makikita si oprah at si ellen,, so hindi rin niya makikilala si david foster (ex manager ko :) ahaha) na kakilala ni oprah, so hindi siya mamanage, so hindi siya mapupunta sa GLEE :) ahaha,,

tae kabisado :))

well,, pakasaya na lang tayo, at wag na siyang pakealaman, :) ahah


hmm,, siguro nga, ang mga achievements ay hindi ganun kadali makuha,, in God's time, makukuha din yan, pero bago mo talaga makuha un, dadaan ka muna sa mga pagsubok katulad ng pagkatalo, pagaalipusta, paninira, pangungutya, pagbagsak, pagkatalisod, pagkatapak ng tae (sa panahon ngaun , obstacle na yan! ) . at kung anu anu pa,, pero pagkatapos nito, tatayo ka at, huhugasan mo ang paa mong nakatapak sa tae :) .... ayun ,,


-joshua alarcon

Thursday, September 23, 2010

Bakit ang LamiG

,,, pag naging cold ka ba sa isang tao , bakit mo gingawa ung ganun?

pede bang

a. sawa ka na sakanya
b. trip mo lang,, kasi nagpapapansin ka sakanya
c. naghahanap ka ng lambing?
d. all of the above?

tae para sakin siguro, ung D. ,, langya,,tama naman un ee. :(..

pero bakit ganun minsan, pagkatapos mong maging cold tapos babalik ka sa kanya siya naman ung magiging cold sayo, gulo no? taeng yan. siguro gumaganti, papadama niya sayo kung anu ung naramdaman niya,naisip niya nung mga panahong ganun ka. tae, minsan talaga tama ung sinabi ng kaibgan ko,, UNFAIR ang buhay (nu konek?) ..

hmm,, emo time muna,, para mamaya PARTY PARTY .. :) ..


hmmmm,,,tae LSS ako dun sa LIKE WE USED TO ng A Rocket to the Moon.. hai nko,, buhay




---joshua alarcon...

Tuesday, September 21, 2010

Mason MOON!!


grabe tong batang to! ,, tae ,, kung nagpaulan ang DIyos ng Kakyutan nakuha niya lahat,, nakafocus sa kanya ang atensyon ng Diyos, kaya sa kanya lang napunta, pero may naligaw sa bahay namin at doon nakapagsaboy din ng kakyotan :) ahah

tae naiinsecure ako sakanya, LALAKI po siya,, tae,, minsan talaga sa sobrang guwapo ee nagiging maganda,, ganyan ang problema ng mga KPOP groups ee,, mga nagmumukang bakla :) ahaha,,

bak to Mason. tae kun magkaanak lang ako niyan *imposible* ,jusko ako na pinakasuwerteng magulang, posibleng sakin nagmana,, ewan ko lang sa ina nya :) ahaha,, tae, may naalala ako :)ahaha...

*gusto ko ng ganitong anak, kahit ampon, oh test tube baby papalakihin ko yan ng matino:) hahaha

Kinaadikan sa ROOM! 2010



So sa nakikita po natin sa mga picture sa taas, makakakita po tayo ng isang tatak ng pocketbook. at isang movie ng thailand,, yan ang pampalipas oras ng mga kaklase ko ngaun,, grrr,, pocketbook mania nga dawsabi ni mae :) ahah,, pero alang pakialamanan ng trip,, kaya ako go with the flow :) .ahaha,,

okay,, hindi ko alam kung sino nagpasimuno nung pocketbook mania, pero ang alam kong lehitimong miyembro ng Precious Hearts Girls, ay si Maica- na gumastos ng 592 pesos para diyan (take note kinompare pa namin kung saan saang items na worth sa 592 pesos :) ahaha,.. si Liezel (activista) - Bob ong dealer, at kung anu anu pa, Chubs/ Chups - ayan patagong nagbabasa, hindi ko siya nakikita lagi ee,, si Taco - nagbabasa siya ng Stallion series ( ayon sa kanya) pero napansin ko ee ung mga pocketbook ni Kwan ,, ung nagsulat ng a walk to remember,, nandyan ang mga hindi aktibo,, si Rhea, Hazel, at minsan nakikita ko rin si RIO :) ahaha,,para sa kanila yan ang makapagdudugtong ng buhay nila sa kabilang buhay, ( saan kaya? :) ).. okay ,, pero hindi ko naman sila pinakekealaman :) , napapansin lang sila :) ahah

pangalawa, sina ROB, ERGIE, EMbol ,, yan ung mga adik sa movie na yan,, pati pala si pres,, ewan ko kung anu nakita nila :) ahaha,, trailer lang napanuod ko diyan ee,, pero hindi ko na tinuloy, para kasing hindi siya related sakin ee, literally wala talaga siyang kinalaman sakin,, ahaha,, pero gustong gusto nila yun :) ahaha,, tae, si Embol ata gagawa na ng fans club para dun sa bida ee :) ahaha,,


pero hindi lang naman niyan ang kinakaadikan namin ee,, KPOP invasion din sa room, president dito si France na nung nakaraan lamang ee nakakuha na ng mga freebies ng SHINEE,, tae ewan ko na lang,, tissue na lang ata kulang niya na collectibles ee: )aahaha

okie,, kami nila, JOM, Aries, Kamil, Mae, Shammy at ako, ee nakikiGO na lang,, nanggugulo kami ng mga trip nila,, kinokonsensiya namin sila tungkol sa mga pinagbibili nila, pinagpapanuod nila, pero ang ending kami din ang naghaharutan, at wala kaming nagawa sa kampon ni Panginoon Pocketbukk,, tae,, lakas ng kapangyarihan niya ! :) ahah,,

so conclusion nito ? wala, go with the flow, pag hindi ka nakiGO ,, talunan ka,, at sa pakikisama mo, unti unti mo ng nalalaman kung gwapo ba ang bida based on sa nakasulat,, (tae si Maica, nahulaan niyang guwapo ung bida, tae ) ahaha.. ayun ,,


(blog na magulo! ??:))

Monday, September 20, 2010

taeng buhay yan!!

hai nakO!! ,, ganda ganda na ng araw ko ee...

Accounting- walang dama, ala si Mam pilapil,, gumawa lang kami ng chorvang questions, hindi ako nahirapan tae,, no sweat (wehh,, tae pawis na pawis ako nun :) ..

Filipino - ala pa ring dama, jusko, main topic at ung pantulong na kaisipan aus naman,, kopya pa rin,, nakakatamad kasing gumawa ng sayo talaga ee,...

Literature - may kaunting dama ,, magreport ba naman ang love of my life ( ayon kay hazel) si maigting ee :) ahaha,, okay! kailangan kong magreklamo, tae mga panget lang tinatawag niyo,, ung gwapong katulad ko hindi ako makta at hndi ako natawag! wew,, personalan na yan :)


tae pagkatapos pa lang pala ng accounting,, kamalas malasan, natapon ko ung Pepsi sa Pocket buk ni Shammy... weww




so ang pinaka gusto kong part ee ang history

History! - syet, langya damang dama ko! tae, malamig na pawis, kabadong para ka ng matatae, pressured sa nagmumurang quiz (infairness medyo madali lang) ! tae,, hindi kami ready sa reporting! grrr,,, buti na lang may nareretain pa sa maliit kong utak! salamat!! ,, tae talaga,, bakit ganun!! ,, kaya mahal ko si mam amon ee,, tae, masyado siyang misteryosa, hindi ko maaral ang bawat galaw niya,, kada bukas nia ng kanyang bibig kailangang abangan, pag hindi mo naintindihan! wala kang grade! tae,, kada galaw ng kanyang katawan! tae,, haist,, well ,, history ang paborito kong subject! sarap irepeat!!! tae talaga,,,


,,, well siguro ganun talaga ang buhay,, minsan kailangan mong magulat para malaman mo ang katotohanang kailangang araw araw lagi maghanda sa hamon ng buhay,, hindi lang sa subjects, hindi lang sa mga taong nakapaligid sayo, hindi lamang sa oras na hinihintay mong matapos, hindi lamag sa tawag ng kalikasan,, maging sa sarili paminsan minsang nagugulat sa totoong buhay!


- JOshua alarcon...

Saturday, September 18, 2010

Magaral at HUWAG Maglovelife

hindi ko alam kung anung demonyo pumasok sa utak ko at parang nagustuhan kong magaral na lang at huwag ng magextra curricular activities (ECA) , tulad ng paglolovelife, lovelife, at lovelife,,

hindi ko din alam kung bakit nakakaranas ako ng pagkabangag ngaun gabing ito,, pagkakaalam ko naman ee hindi kabilugan ng buwan! parang kung anung droga ang pumasok sa tenga ko at bigla inabsorb ng katawan ko! (ganyan ako magdroga, sa tenga ang pasok ) ..

bakit nga ba! don't tell me nabahaginan na ako ng GC spirit ni MAIGTING, LEGASPI, PAYOS, ADRIANO, etc (para sa mga di nakaaalam, sila ang mga walangya kong kaklase :) juk lang ) ..

napagtanto ko lang, puro lovelife na lang ang iniisip ko last weeks,, ewan ko din kung bakit,, takte, dahil siguro sa pagsuper unli ko at kung sino sino ang mga natatawagan kong mga ewan :) haha,, joke lang..

tatlong bagay ang nakulta sa utak ko! (tungkol to sa lovelyF!)

1. walang akong girlfriend, pero fil ko meron (yan ang mahirap sa MU! )

2. namimili ako sa dalawang tao na walang koneksyon sakin at alam kong mabubuhay kahit wala ako! ( yan ang mahirap sa MU na may kahalong extrang babae ) ..

3. hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami rami ng araw sa isang linggo bakit ngayon ko lang narealize na ganun pala ang dapat kong gawiN!! ( ang magARAL na lang !! )


ngaun naiintindihan ko na ang mga heartbroken na nilulong ang sarili nila sa trabaho,, ako hindi ako heartbroken pero gusto kong malulong sa PAGAARAL! (kahit korning pakinggan)


sa aming pagchachat namin ng pinakamamahal kong kaibigang si Lorelie Merced Santos, natype ko na lang na :

" kaya nga,, kaya magaaral na lang ako ng mabuti!> hindi ko alam kung kelan mawawala tong pagmamahal ko sa pagaaral pero gusto kong magkaron ng masamang bisyo,
at iyon ay ang pagaaral!"


ayun,, pero tuloy pa rin ang GOAL ko !! makaipon ng 2million bago magpakasal! may sariling bahay, may stable na trabaho, at siyempre manatiling guwapo !! wahahahaha


oo masaya ang lovelife sa HIghskul o mapacollege man iyan,, pero minsan isang araw mamumulat ka na lang sa katotohanan na MINSAN!! ang lovelife isang distraksyon para hindi mo maabot ang pangarap mo, magmuka man akong brutal sa sinabi ko , un ang palagay ko,, hindi ko alam kung bakit ko nagawa ang blog na ito,, siguro dahil datapwat sapagkat, bagamat. wala lang akong gustong gawing produktibo kaya nagaaksaya ako ng oras sa paggawa nitO :))



- Joshua Alarcon....

Wednesday, September 15, 2010

ewan ko :|

bakit ganun,, tae natutuwa ako tuwing makakatanggap ng text galing syo, tae ka kasi ee, haha,, how i wish mabasa niya to.. haist, oo na ewan ko ba kung bakit, basta masaya ako tuwing magtetext ka, kahit delayed na ung text masaya pa rin ako

masaya din ako pag naririnig ko boses mo tuwing tumatawag ako :) (tae hayagan na ako na tumawag:) ) . haist,, tae alam ko na filing ulit ng kinikilig, ahaha,, ewan ko kung may malisya sayo pero ako siguro konti , (konti) meron :) .. bahala na ;)

kung mabasa mo man to , mailang na ang mailang,, basta alam ko oo :)) ahaha



(hmmmm)

*fictional... (may pagka)

Tuesday, September 14, 2010

Minamahal kong kaklase PART 2!

nagtapos tayo nun sa DOTA boys

okie,, ang DOTA boys ay binubuo nila :

ANGELO, PAULO, JAYROME, JULIAN , RENIEL, CHESTER, JAYSON, sama na rin natin si ALABERT at ARIES

okay si ANgelo ang counter part ni ERGIe (ung may primary complex), counterpart kasi malaki si angelo haha,, as in LAKI! :) haha,, pero keri naman niya ee,, ahhaha,, wag ka dami na nyang naging gf,, (siguro dahil malambot ,, ang kanyang puso) .ahaha,, SI ARIES AT PAULO- dakilang grin sa klase, wala pa si KAMIL nian :) ahah,, si aries ang trip ay si Kamil, si Paulo trip ay si ALIZA,, kaya ang daming issues tungkol sa kanila ee,, .okay, jayrome- eto may gripo sa katawan,, grabe magpawis kasi, ewan ko ba kung bakit siguro metabolism niya yun,, pero gitaruista ng rum ahaha,, buhay na pag dala gitara nia.. okay next (pasensyahan mahaba tO)si JUlian- walang tahasang magsalita,, tuloy tuloy kahit magreen man ito :) ahaha,, pero inaasahan din yan sa accounting,, haha,, next, ay si reniel- ewan ko kung ako lang ang nakapansin pero, pag nagsasalita siya para siyang tumutula, may rise and fall intonation,, haha,, ung parang nag ooration,, ung ganun :) lol,, okay si jayson - tagalibrem utangan ng dalawang PNR boys,, ( itay kung tawagin) siya ang inaasahan nila angelo at paulo tuwing biglaan ang bayaran haha :)) ,, lalo na pag kinulang ng pera sa pagdodota,, okay si CHESTER at ALBERT- ang dakilang emo ,, ewan ko ba naman kung anu pinoproblema nito,, siguro si chester lovelyf, pero si albert parang tingin nya sa mundo e demonyo na kahit anung oras kakainin siya dahil hate daw siya ng mundo... ayun


next.. ang mga di ganun kafeel sa klase,, ( hollow man) :) ahaha,,pis tayo mga pre
binubuo sila nila, Rona,RHEa, Janine, namia, clarenz, mas, at hindi ko na alam (kung may makalimutan man ako sa blog na ito kasama siya dito) ahaha,, bad ako,, :) pero alang pake blog ko ito :) ahaha


RONA AT RHEA- madalas kong mapagbaliktad,, para kasing magkamuka sila tuwing titignan ko sila, so that's all :)) ahaha

ang magkabarkadang sila JANINE AT NAMIA, at CLARENZE AT CAmelle- sila lang ang nagkakaintindihan sa kanilang dalwa :) ahaha,, oo hindi ko sila kaclose,, ung dalawang C ay kagroup ko sa report pero hanggang dun na lang at hindi nagcontinue ang aming mga relasyon. ahaha.


okie next stop ang CHARLIE's Angels (pis)
ROB, EMBOL, at PHILIp, - oo sila nga ang charlie's angels, originally duo lang sila,, si rob at embol lang ang close talaga, pero si philip minsan ko lang makitang kasam nila, pero dahil adik ako nilagay ko na sila dito...ahaha,,, mga magaling magpatawa tong mga to,, isa sa mga clown ng klase :) ,maingay, pero maingay :)) ahaha


okay, ang mga napapansin dahil sa kakaiba sila :) ahaha,, *plis wag sana itong mabasa* :)) ahaha

simulan natin kay

KC- etong babaeng to, mali ang pinasukan ng course,, dapat entrepreneural courses ang kinuha nito ,, tae kahit hindi magsalita nag sosold out ang mani nia :) ahah,, lalo na ung matamis na mani nia :) ,,napansin siya hindi lamang dito,, dahil ang galing niyang kumanta!! grabe sa falceto,, malinis,, ahaha,, tae galing insecure ako : ahaha,,,ATIN cu pung SINGSING :) ahah,, (motto nia : masarap ang mani ko , bili na kau )

MAigting- honestly takot ako sakanya kahit di ko siya nilalapitan,, para kasing kahit anung oras pede nia akong dalin sa balon kung san siya naninirahan at patayin ako , *joke lang maigting, ahaha,, pinapaganda ko lang*,, ayun,, grabe,, ang laki ng bag nia, malaki ang envelope nia, malaki accounting book nia,, malaki ang salamin nia , pero maliit siya ,:) ahah,, joke lang ulit pis tayo (shet, guidance na ko nito :) ahaha

PRES - eto, napaiyak ko na yan,, babaeng ALBERT,, emo kung emo , ahaha,, joke lang,, pero napakamaalaga niyan,, diyan dn ako tumakbo nung nawalan ako ng pera,, ahaha,,, tae pero mahal namin niyan >): ahah

MARJORIE- small but not that terrible :) ,, eto ang babaeng patubo pa lang ang sungay :) ahha,,magaluing siyang pumickup ng sayaw :)ahaha,,astig yan,, tae parang trumpo,,ikot ng ikot nung practical sa PE :) ahah,, pero aus lang keri naman niya ee,, (*if i know sumuka siya :) *ahahm joks) ..


ang mga natira - Charmaine, detdet, malabad, canlas, JAy, shara, diapolit, ann, huertas, kristle

okay,, flores- tae talino nito, sipag pa,, ahhaa,, may salamin siya * w/c palatandaan na geek siya :) ahaha,, astig ung reporting nila sa lit nila,, nagsabi ng playtime, grabe para siyang sinapian nun :) ahahah., pis tayo :)
detdet - hindi ko siya kaklose pero isa lang ang palatandaan ko siya nga iyon :) FISHCRACKERS :)ahahamm penge det? :)

SHARA, DIAPOlit, MALABAD AT CANLAS- silent but deadly, tae tatalino nitong dalawang ito ee,, grabe,, tatahitahimik peero matalino,, sakanila ko napatunayan ung kasabihan na pag tahimik daw ee matatalino,, grabe,, GC kahanay ni bevs ::) ahaha

JAY - haha,, pasig boy :) ,, nakatira sa pasig, kaklase nila mae at jom,, kalagitnaan ng puberty nagkaroon ng primary compleX: ) ahha,, payat siya pero may laman,, matangkad siya pero mas matangkad ako :) ahaha,,

ann,- hayagang may boyfriend sa rum :) ahha, hatid sundo ng BF :) ahahah.. aus lang naman,, cheesy kasi ahaha,,

huertas- okay, tahimik, inaasahan nila mae, shammy, rio, at flores sa accounting pag hindi nakapag aral ang nasabi :) ahaha,, tae, olweys ready ( dala lagi ung librong may sagot :) ahaha ) pis ( tintamad na kong magsulat)

kristle - model ang future hindi CPA ( haha sama ko: )ahaha_) ayun,, maganda siya,, okay ang skin, ang height normal para sa mga magdadalaga :) ahaha,, mahinhin sa mahinhin ( weeehhh) ahaha,, aus siyang kaklase,, friend ko siya pero hindi gaanong klose : )ahaha



ayan silang lahat ang bumubuo ng kalahating araw ko,, kasama ko silang magtanong ng ANO sa oras ng accounting,, kasama ko silang magalit sa nagmumurang exam sa HISTORY, napagdaanan ang reporting sa literature, sama samang nagnosebleed sa english, natuwa sa filipino , nabore sa Management, natututo ng mura sa socio at sama samang nagsayaw sa PE, kumain sa canteen ng PUP (mura na madumi pa) , at mabasa sa parteng teresa pag umulan, pumarada sa accountancy week,, nagtanong ng kung anung pangalan nung first day, bawat isa naranasan ang hirap na dinanas noong mageenrol sa PUP, at kung anu anu pa,, 5 taon pa ang gugugulin para pumasa, alam ko sama sama dn kaming papasa at makakatanggap ng diplomang inaasam ,, oo mahirap pero anu ang sabi doon sa BOB the BUILDER "kaya nating gawin basta samasama " ahaha,,


sila ang kaklase kong ngayong kolehiyo :) ahaha,,,


CHICKS GO CRAZY : )) ahaha,,


ayan natapos ko na din dahil sa sinabi sa kin ni bulilit (aliza) haha,, ayan napo aliza tapos na,,

sana natouch kayo, at the same time nagalit sa mga panlalait ko :) ahaha,, sana naman nangibabaw ang tuwa :) (sakripisyo ko to no! hirap kayang magtype ng ganito kahaba: ) ) ..ocge na


love you guys : ))

TANONG FOR ThE DAY!!

nakakaasar,, kaya may tanong ako para sa bilang na nagbabasa ng mga post ko sa blogsite na ito,,,


kelan ba mas mabilis magabsorb ang utak, pag ba BAGONG GISING KA, o ung tipong niaantok ka na :|

pasagot naman,,

pakisend na lang sa fb ko :( JOSH ALARCON - pakisearch na lang

Ang 15 pesos na SINE!!



okay,, habang Busy ang lahat para sa Intrams ngayong araw,, 15+ na kabataan ang nagpunta ng Sm para manuod ng sine , eto ung promo ng Sm, ung tig 15, tapos ung mga luma ung movies,, para sa amin ayus lang yung ganung presyo,, mura na, malamig na, may napanuod ka pa :) (one way namin yan para makalimutan ang mga stress na dulot ng KOLEHIYO *history at accounting* )

so pumunta kami sa SM mga 10, OPENING :) ,, putik inaasahan ko ee konti lang ang tao, at kami lang ang bumoycot sa INTRAMs ng aming pamantasan, pero ako ay mali,, naextend na ang university namin patungong SM ,, (PUP annex :)) ).. so , okay tanggap na namin ang katotohanan na hindi lang kami ang nandoon para manuod ng kasiyisiyang panuorin.

nasa 4th floor kami (kung nasaan ang cinehan) , anak ng Aristotle,, hindi pa bukas, 11 pa daw, pero okay lang, hindi kami pinanghinaan ng loob, sabi namin mamili na muna tayo ,, ang pagpipiliian ay ang FRIGHT NIGHT, at ang AMERICAN VIRGIN.. seriously fil ko pang manuod ng despicable kesa dun,, pero nakisama na ako :) Ahaha,, so dahil sa hindi makapamili ng aus, ee nag mahiwagang toss coin si MAE(ang batang manghuhula sa amin , may future ang toss coin niya sa fortune telling *effective promise* ) at ang nagwagi ay ang AMERICAN VIRGIN (title palang,excited na si ARIES, ERGIE, at KAMIL ) :)) ahaha,,

okay, pagkatapos nun, napagdesisyunan ng gang na maglunch muna,, at iyon ay sa TOKYO TOKYO (wew fave kainan ni JAJA) :)) ahhaa,, bUENA MANO samin ang restau,, kami ang una > ahaha.,, sarap pala ng filing ng una :) ahah,, so ORDER kami ng KARAGE . ayun hati kami ni KLAYDS (wew issue >>>>) .. ayun,., masarap ang filing ng unang customer, kayo lang ang maingay sa restau, makakausap mo ng pabalang ang waiter, makakakuha ka ng totoong UNLIMITED RICe kaso hindi Unlimited ang water ( wahaha,, tawa ako ng tawa nung binitawan ang mga salitang ito ni kamil ) .ayun,, basta astig,, natapos kaming kumain ng busog, masaya at busog :))

okay, bak to the main topic,, nakabili na kami ng ticket, haha,, okay na simula na ang pelikula ,,, (kaso may mga epal na estudyante, sumisigaw na kala mo horror ang palabas, may mga natatapilok kung saan saan, at kung anung bulungan na kala mo naglilibugan na ewan ..) so aun,, kahit pang 18 above ang movie, ala kaming pake, haha,, kala kasi namen medyo conservative pa ito, pero MALI nanaman kami!!!!.. hindi pala,,, tae simula hanggang dulo, sumakit ang ulo ni MAe, ni shammy, at lalo na si ARIES :) ahaha,,

natapos ang pelikula at nasabi lang namin sa labas na "CHICKS GO CRAZY " ..



conclusion,, bago manuod siguraduhing alam ang papanuorin,, wag bumatay sa toss coin ang mga desisyon,, matutong mamili ng tama,, pero mas pinili namin ang mas tama :)) ahahaha,,

at,siguraduhing wag manunuod ng ganito kung dalawa lang kayo!! alam na,, 0% purity, and 100%satisfied...


haist >.. watta day,, lovin it :0)

Monday, September 13, 2010

History PART 2!!

haha,, ayan may blog nanaman ako dahil sa discussion namin kanina sa history,, na pinangunahan ng aming pinakamamahal na guro ,, na si Mam CARMENCITA AMON!!: )) ,, (favorite namin to!!!)

ok,, ang topic namin ay puro pag-aalsa ng mga TAONG nangarap ng KALAYAAN na minsan na din nilang kunyaring nakuha, pero hindi mali sila,, (ayan na naman yung mga taong walang kinalaman sa family background namin,, ).. oo malaki ang nagawa ng mga taong un para imulat ang mga mata ng pilipino noon,, pero hindi pa mulat ang mata namin noon ,,dahil hindi pa kami buhay noon, kaya bakit kailangan naming matutunan yang mga yan,, wala naman sigurong maitutulong samin ung mga taong un kung makilala man namin sila ngayon diba? matutulungan ba nila kaming maligo sa dagat ng basura, ee bumili ng talong na may uod sa palengke? diba? pero siguro kailangan naming malaman yan dahil kung hindi kailangan walang susuwelduhin si MAm amon, (slow na hindi makagets)

so ayun,, dami nanaman naming natutunan,, primarily ang isinigaw ni BOnifacio sa balintawak : eto daw un,, BALOT!!! (tumawa na lang kayo kung narinig nio yun,, kung hindi ala akong care) .
natutunan din namin ang MGA MACABEBE BOYS (tawag nia sa mga traydor na mga MACABEBE.. ) nothing special ngaun ang naganap sa history, pero ginwan ko na ng blog para may masayang akong oras :).. so AND OTherS was HistORy,,


ayun,, pasensya na hindi masyadong nakaktuwa>. ( walang inspirasyon ee: )Ahaha,, hindi ko kasi nakita si mam agnes,, siya ang aking inspirasyon :))) ahahah PIS

The sunday which is the start of MATURITY!!!






okay,, panu ba to sisimulan,, ...

ganito kasi yan,, nung sunday ay INTER-YWAV fellowship namin at doon naging ISA (united kumbaga) ang YWAV MONUMENTO ,, (na binubuo ng CAMANAVABU ekek,,.. ) ayun,, so nagsimula na ang FELLOWSHIP.. haha,, puno ng excitement, kaba, halo halong emosyon, tagaktak ng pawis( partida ala pa sa stage yan) at kung anu anu pa ang aming nararamdaman.

nung nasa stage na kami at nagsimula kaming mag worship kay LORD, napakasaya ng feeling, haha.. ganun pag nagpupuri ng totoo kay LORD!!! :)) ... labit!!..

ganda nung outcome lalo na nung before and after ng celebration,, ramdam ang presensiya ng DIYOS :) .. , at ung stage muntik ng masira ni Kuya JM :) ahaha, , (diet ka na ,, sabi yan ni tin :) .. )

ayun lumipas ang linggong iyon at kami ay nagsisimula na at naghahanda sa more challenging na challenges na ibibigay samin ni LORD, pero gagawin namin iyon ng samasama :)) ..

sabi nga ni ate LEN LEN (ng ywav caloocan) "bitin ang nangyari, pero sobra sobra ang ginawa ni LORD :) ahaha,, " which is true :) ..

kaya ayun ,, sama sama tayong magmithi ng MATURITY .. at Siyempre lagi nating makasama ang LORD sa araw araw nating buhay :) ...


(grabe ibang iba ung way ng pagboblog ko ngayon ,, BANAL kung twagin ng iba :) )

(pasensya na sa gulo ng blog :))

Thursday, September 9, 2010

ang tahanan ng demonyo at mga anghel (ADZ)

yan ang tawag sa amin nung highskul kami,, dapat nga alang anghel ee,, pero panget namin kung DZ lang ang tawag samin,, wew,,

okie,, sa nauna kong blog, napakilala ko na sainyo ang apat kong kaklase..( magbasa para malaman) okie, ung iba naman para masaya :)

lets start with the boys...

Kevin de Silva - pangalan palang mayaman na,, pero mayaman talaga siya, pero ang kuripot nito!! ewan ko kung bakit,, haha,, pis my friend, siya ang aming dakilang salutatorian at GC sa GC, ewan ko kung bakit minsan naiingit ako sa kanya, hindi dahil sa guwapo siya *jusko mainggit ako sa kaguwapuhan nian? hello , mas gwapo pa ko diyan ee* pero dahil ang sipag nia :)) ,, ayaw niang magpakopya :)))) pero nahahawahan ko kaya ok na sakanya un :)

glenn de celis - siya ang pinaka sporty samin,, tae daming alam na sport,, siguro dahil na rin sa impluwensya ng kanyang father:) ahaha,,


ang magpinsang sina MEnmen at Ian dela cruz - napakalaki ng difference nilang dalawa, si men ay galante at si ian ay hindi, si men ay cool si ian ay hindi, si men ay diego si ian ay bugok . ahaha,, joke lang mga pre,, pero mga adik to kaya kasundo ko yan, mga DOTA boys yan,, :)) ahahah... mga nabubuhay dahil sa internet at computer..

si Jeffrey Espinosa - ok,, si jep ang pinakamalakas mamburaot samin!! syet nakakaipon na nga to dahil sa buraot ee,, pero sad to say chain smoker siya :) ahaha,, pero aus lang sakin un :)) hanggat hindi ako binubugahan ng nakakahilong black bat nia ( tae amoy del carmen kaya )

si Michael magleo -- kupo ang DAKILANG torpe,, ewan ko ba kung kanino nagmana to,, sabihin na nating nakakatuwa siyang magsmile, pero mahina pa rin siya!! ( kay lilet pa lang ) !!! pero bali balita ko ee may GF na to,, wow achievment,, naunahan pa ko ,., pwero sa torpe siya,, KJ din siya :) ahaha,,, pangalawa siyang pag naka rinig ng LIBRE ee sasama siya, ( ako kasi ung una dun :)))

Renz Gregory- isa siyang computer addict!!! yun lang ang masasabi ko!!.. pero pag nakikita ko siya,, naaawa ako ,, ewan ko pag nakikita ko ung mata niya,, parang lagi siyang iiyak :0 ahaajaja,, pis tol :)) ahaha

Christian RAmirez- oo na,, siya na MVP samin,, siya na magaling sa basketbol,, sila na ni kwan,, oo na siya na,, siya na mayabang :) aahaha,, pis tol,, pero mabait naman siya,, minsan mo lang siya makausap ng matino,, parang si men,, haha,, pero aus to ,, kasundo ko yan,, pero pagnakatalikod na,, binabakstab ako niyan :3..

Arvin SEco - eto ang lalaki kung mainlab ay ganun na lamang,, apektado talaga siya pag nagbbreak sila ng gf nia ( sino bang hindi) pero alam ko talaga EMO siya,, kinakabahan nga ako diyan ee,, baka maglaslas na lang ng wala sa oras.. haha,, :))


GIRLS na tayo :)

melvin santiago (lalaki po siya,, napagtripan ko lang siyang ilagay sa column na ito) - hindi ko talaga alam kung anu talaga kasarian nito pero sa tingin ko ay alam ko na :) ahaha,, pis tayo melvin,, galing nito pag dating sa volleyball :)0 ahaha,,,

Clarisse maravillas - yan ang anak ng principal *kaya hindi ako nakikipagaway diyan ee * :) .. siya ang dakilang violinista, at kampeon sa table tennis :) ahaha,, galing niyan ee, :)) , pero minsan ko lang siyang makasama at makausap :( .. ayun

Mary rose nicolas - kapitan ng Volleyball team :) ,, haha,, nahugot siya sa district ekek ,, (basta alam na namin iyon kung anu un) .. tapos siya din ang may nakakatakot na third eye,, ahaha,, kung anu anu nakikita,, baga pati ung kwan nakikita niya :)) ahaha


ang 3d.

THEA - ito ang batang may matinis na boses na napakalakas,, haha,, pero mabait yan :) ahaha,, taeng yan,, haha,, Maliit siya :) ahahah sige discriminate lang :)) ahaha

Rhyss - siya ang pinakamaliit sa kanilang tatlo,, haha,, punggok nga yan ee,, maliit na mataba :) ahaha,, pero wag kayo PASTOR"S kid yan :) ahaha,, banal yan,, wag kayo :) ahaha

UNI - eto ung kisser sa rum,, kung sino sino hinahalikan ( sa girls lang at sa cheeks lang siya nanghahalik ) ,, ahaha,, may balat siya sa muka :) asset daw yun ee,, pagbigyan na : )ahahha,, kung kanikanino siya nalilink,, nalink na din sa kin yan ee,, sabi ko na lang,, wag nio ko ilink ke uni kasi lugi ako :) ahaha,, juoke,, ayun,,

si SHAR, SHEEN,

eto ang magkapatid na ;) subrang klose ,, bale silang tatlo nila marya,, ayun

si shar- lagi kong katabi tuwing may quizzes at seatwork dahil ako ay di nagrereview at siya ang aking pagasa ;) ahaha,, pero may pagka model ang dating,, ANGEL BOXING ang itsura :) ahaha,, joke lang pre pis tayo :) ahaha

si sheen - hindi ko siya madescribe ee, para kasing may iba sa kanya,, ung mata niya, parang ewan, kasi kahit nakangiti siya parang iba, ( takot nga sakanya si cher melo e :) so ayun ,, loyal siya pagdating sa pagibig >:)

hazel- actually hindi kami klose, pero nakakasama ko siya pag nagbabalibol kami nina ga :) ahaha,, ayun mysteryosa yan ee,, para siyang white lady sa balete :)


hahaa,, ayan na ang mga minamahal kong ADZ :) sana basahin nio to!! (mga tae kayo pag di nio to binasa!!!

Adbentyurs of DORA and the gang


september 9 2010, nagsimula ng maglakbay ang magkakaibigang sina DORA (kamil) . BOOTS (ergie ) at DIEGO ( ako un ) .. haha, dapat kasama si aries dito ee,, haha,, hindi niya nga alam to ee * pero alam ko gusto niyang sumama kasi sabi ni kamil*.. ayun,, so sa GATEWAY kami napadpad.. haha,, para kaming mga ITA, BALUGA, at MANGYAN , dahil hindi namin alam kung saan ang DQ sa gateway, kasi akala namin ni kamil ee alam ni ergie, so follow lang kami sakanya,, pero pinahamak niya kami!! hindi niya din alam, buti na lang at may sense of instincts si kamil (hayup yan ee ) at napadpad kami sa foodcourt ng Gateway,,

nung bago kami pumunta dun, buo na ang loob naming tatlo na bibili lang kami ng Blizzard at masayang lang ng oras kakausap sa aming bawat isa,, pero hindi tumama ang plano, nung nakita na namin ang mga stalls dun sa mga kainan bigla kaming nagsipagbago ng isip,, eto ang aming mga pinagpilian...


A. ung mga ekek sa TACO BELL - haha,, taeng yan,, masarap sana siyang tignan pero ang presyo hindi!!!! pero hindi naman siya ganun kamahal, pero nagisip na lang kami ng iba,,

B. BACONATOR ng WENDYS - syet sarap sana nito kung di lang talaga ganun kamahal ee,, jusme, kakain ka lang ng burger na binalutan ng bacon na may halong ekek ee aabot na ng 220.. wew,, taeng yan.. so hindi na namin pinili..

so napagdesisyunan na lng namin na,, BLIZZARD tayo!! haha,, pero nung tumingin ako ulit sa taco bell ,, nakita ko ee may mura pala,., so bili kami dun.. ung cashier pala dun parang sa DQ at Starbucks din na kukunin ang pangalan mo.,, so edi ayun,, umorder na kami, nung umoorder na ako (kasi tapos na silang umorder) tawa ng tawwa si kamil ewan ko kung bakit, kaya naman pala tumatawa ee dahil pinalitan ni ergie ung pangalan niya sa redibo,, ( jayson ung nakalagay) nakakatuwang ewan.,,, ganun din sa may DQ (natuloy din kami sa BLIZZARD ) .. hutek,, pag kasama ko talaga yang dalawang yan napapagastos ako.. well that's what they are for :)))


so ayun,, umuwi kami ng bitin, dahil hindi kami busog!! puro wrapper ung sa taco bell,, tapos naging juice ung sa dq. haist., pero its the experience that counts,,


hehe,,tapos na *\hindi siya ganun kahumorous dahil ala ako sa mud mag blog :)) *

FAIL!!!



haha,, tae gusto kong matawa nung nakita ko to habang binabaybay ko ang kahabaan ng daan papuntang Mandaluyong :)) ahaha,, taeng yan., fail talaga <> ;) ...

well ganun talaga ang buhay,, may mga pagkakamali din,, at sa mga pagkakamaling yun nakapagpapasaya sila ng tao :) ahahahah ..

Wednesday, September 8, 2010

SUPER PRENS

dahil sa ginawan ko ng blog ang mga kaklase sa kolehiyo,, gawan naman natin ng blog ang mga SUPER PRENDS ko sa highskul...

eto ung mga walangya kong kaibigan na sinasabing singit lang daw ako sakanila,, kasi silang apat daw talaga ang original ,( e ano ,, basta kasali ako, ahaha,, ) basta ang alam ko din,, mis na nila ako ngaun,, at alam ko malaki na ang pagnanasa ng mga to na makasama nila ako :)) ahahaha


okie,, lets start with the weakest link :)) ahahha


VERONICA ARCEGA CRUZ - ok,, si nika ang isa sa closest friend ko sa aming lima, kasi siguro kaming tatlo nila let ang naiwan sa aming sintang paaralan na LA kaya ganun,, at siyempre SLOW siya :)) ahaha,, sarap kayang kasama nung mga ganung tao :)) ahaha,, Pis tayo nika,...
etong si nika ay isang mapagmahal na anak, kung saan saan siya nakakapunta ng di alam ng kanyang mga magulang ( lahat naman kami ee) .. pero masasabi kong isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko ( si shiela kasi hindi ee ) :))) ahahah..... mahal yan ni kwan ee..

sunod naman ay si

FRANCES GAIL FETALVERO? CASTILLO - sorry hindi ko alam ang middle name mo, sensya na,,, ok... siya ang pinakabanal saming lahat,, wew,, napaka masunuring bata nito.. grabe wala akong masabi,, minsan ko lang yan mahawahan ng kabulastugan ( kasi ung 3 absorb na absorb nila ako) ayun,, malabo mata niyan,, pero nagiging maarte na yan ,, pakontaks kontaks na lang ngaun yan :)) ahaha,, hmmmmmm... anu pa ba.. adik din yan ee.. pero pag nangangailangan ako ng piso sa kanya ako unang lumalapit (kasi filing ko mabait siya at bibigyan niya kagad ako.,, pero AKO AY MALI!!!)


next stop..

SHIELA MARIELLE JUAN CRISTOBAL - pinaka luka sa aming lima.. black sheep sa aming lahat.. haha,, pero mapagbigay yang babaeng yan e,, pag walang piso si gail sa kanya ako humihingi :)) ahaha.. mahal na mahal niya si KIKO >.. ahahah,,, wala ng alinlangan doon,, ups and downs, left and right magkasama sila ( nag enchanted ee, ) (*nu konek).. bahala na,, basta adik pa rin siya,, wala akong masasabi kundi siya ang pinaka maganda sa kanilang apat :))) *tae gusto kong magsuka )


last and the least :)) ahaha pis tayo


LORELIE MERCED SANTOS- pinakamatalino saming lahat,, adik yan ee, hindi nagrereview pero ang grades pamatay!! .. grr,,, kung nagaaral lang talaga ako ng mabuti edi sana ako na valedictorian samin ,, haist,, ee hayaan na natin,, nagbigay daan na lang ako ,, haist ahahahahaha.... ayun,, silang dalawa ni nika ang lagi kong kasama pag nanliligaw ako ke ate angel :))) ( tae ayoko ng maalala un, baka ma fall un :)) ahahaha joke :)) ) .. so siya din ang pinagkakatiwalaan ko :) at alam ko nagtitiwala din sakin yan ( IF IK binabakstab ako niyan) ... ayun.. ahhaha



wala na kong masabi sa apat na ito ,, ako kaya kong mabuhay ng wala sila ewan ko lang sila kung kaya nilang mabuhay pag wala ako :)) ahahha,, pis mga pre,, ayaan nio na blog ko ito ee.


sila ay nakatatak na sa mga varicose ko .. at hindi na mawawala un :) ahaha... naging part sila ng buhay ko at pinagsisihan ko un :)) ahah joks lang mga pree


aun lang ,,, LOVE YOU mga tol ( siyet lagot nanaman ako sa mga Boypren nito.. ahahaa,, kung meron sila,,, kaya ako pinagseselusan ee,, gwapo ko kasi ee :))

ayun,,, ok na to,, mahaba na ito,, dahil mahaba ito hindi niya to babasahin ,, wawa .. ahaha.. joke :))0


okie na :) ,, pag nabasa niyo to magkoment kayo!!

minamahal kong mga kaklase!!

nung highskul ako nasanay ako na 20 lang ang kaklase ko,, kasi di naman ganun kalaki ung skul namin kaya ganun lang kaunti.. pagdating ko ng college na culture shock ako dahil bumulaga sakin ang 49 na tao na may mga iba't ibang mga ugali,, ung iba maganda ang ugali, ung iba masama, at ung iba e napakasama :)) ahaha (kasama na ko dun) :)) ..

madami naman akong kaclose dito,, at dahil sinisipag ako ngayon ngayon lang, ee iisa isahin ko sila para sainyo...

first stop,,ung mga kaklose ko

ERGIESON ADRIANO - eto ang kaklase kong mukang nagkaroon ng primary complex nung bata siya. tae kelangan nito vitamins! eto din ang walang kaba pag nangopya dahil sa lakas ng boses niyang magtanong,, nakalunok siya ng megaphone.. pero talino ito .. :)) haha,, sandigang totoo pag dating sa quizzes at exam :))

MAE GRANADA - isa sa lukang kaklase ko ngayon.. napakaraming alam na kanta,, at pag nadepress siya ay kumkanta na lang siya bigla at kami'y nagugulat :) (bangkero na ko) so ayun,, magaling siyang magsayaw,, siya ay,, medyo tall, dark and sobrang bait :)) ,,,

SHARMAINE LEGASPI - tandem sila ni mae pag nantrip ,, at sobrang klose din sila,, isang totoong GC,, hobby niya ang pagsagot ng libro sa ACCounting, grabe yan :) ,, haha

Kamil Valdez - haha,, siya ang soulmate ni Aries . makapagdirty finger ee parang snak na sa kanya.. pero madaldal yn :)) ahaha,, yaman din,,, ( nagpapautang kung kani kanino :)) )

Jomari Jardio - ayus naman siya ,, kasundo namin nila mae at shammy... sabi ni mae magaling siyang magdebate kaya umiiwas ako diyan pag diskusyunan na ang usapan :))

RIOLYN GABAON - eto ung kaklase ko na may mikroponong pinatinis ang boses na naka maximum ang volume :)) ahaha,, pero astig yan sa accounting :))

next stop,, ang GABRIELA SISTERS..

KLHAYDS, IRIkA, at JOls - yan ang magkakasama lagi tuwing uwian, pagpunta sa SM centerpointe, at kung saan saan pa,, magkakadugtong na bituka nian ee...

next , ANG MGA DALAGITA ng PNR :))

ALIZA, LIEZEL , CARINA - si ALiza yan ang isa sa mga kaasaran ko , :)) ahaha,, .. si liezel naman ay FUTURE activista namin :) ,, ewan ko pagnagsasalita kasi siya parang sumisigaw siya ng "ITAAS ANG BADYET!! "haha pis :)) .. si Carina - ayun ganun pa rin siya :P .. ahaha,, laging may nakasalpak na headphone sa tenga (natural sa tenga ala nga namang sa ilong) ..

next. ang Novaliches Tribe..

HAZEL, EMBOL , JEN, PED, - si Hazel isa sa mga masisipag sa rum, (badtrip tapos ang practice set!!! ako nga di pa ko nagsisimula ee) . sila embol, jen , ped - mga kasama ko yan sa PE haha,, astig kasama :))0


ung mga DIEGO sa rum

BEVS - tae eto talaga ang GC sa GC,, napakasipag magaral, parang kinakain ang pinakuluang encyclopedia,, tae,, kaso nga lang ayaw nia ng may kumokopya sakanya ( grrrr) .. hahah

FRANCES- true KPOP addict,, primarily sa SHINEE... wew,, pero magkasundo naman kami sa mga ganun ahaha,, kaya aus lang :))


mga DOTa BOYS..> kilala nio na kung sino kayo,, (tae katamad ng magblog nire)



madami pa ee.. pero to be continued na lang,, tinatamad na ko ee .. :)))

Tuesday, September 7, 2010

CHoreo naming nagpapaulan!!

simula nung nagmerge ang grupo namin sa PE (dahil kulang kami sa lalaki kasi ako lang magisang lalaki sa grupo nmin a sa kabila naman wala silang babae) dun ko nakilala ang tunay na ARIES PALTAO!! siyet!! para siyang adik tuwing magtuturo siya ng sayaw namin nung sa PE dun sa interpretative dance,, oo na sige na aminin na natin na magaling siyang magsayaw,, pero dahil sa galing niya pati pangalan ni PED nagkakaron na ng pagbabago,, da kasi naman, kada maling galaw ni PED ganun din samin ee laging may kasamang mura (ex. &*@& PED) ganun ,, tae talaga yun,, pero tinatawanan nalang namin ni KAmil at snasabayan na lang siya ni KAMIL magmura!! sabi na lang ni KAMIL (F ME F ME :)) ahaha,, grabe tawang tawa ako kahit MALI!! :)) ahaha

so ayun lumipas ang practical namin na ang grade namin ay UNO ,, at ngaun naman ay may dumating na bagong pagsubok sa aming buhay, ayun nga ung performance namin na hindi namin akalain na audition na pala un para sa sasayaw sa university intranms namin.. so ayun, praktis kami kila kamil(fairness ganda ng bahay nila kamil) ung koreo namin may favoritism , kaming dalawa na lang ni KAMIL umiiskor sakanya,, tae biglang naging santo si ARIES! wat a miracle! .pero hindi a rin niya naitago ang kanyang isa pang ugali,, na sinasabayan din ni kamil at umeeksena na din ako,, iyon ang pagtapon ng mga GREEN jokes at kung anu anu pa :) ahaha,, (tae kahihiyan sakin yun!! ) :)) .. pero masaya naman ee kayya ayus lang (pero mali pa rin) bahala na, >ahaha
...


ayun isa lang ang mapapatunayan ko,, soulmate sina kamil at aries na koreo namin :)) aahaha

HISTORY!!!

... hmmmm.... para sa iba.. ang subject na ito ay madali, sa kadahilanan lang naman na pag exam ay magkakabisado ka ng mga petsa kung kelan hindi ka pa buhay, magkakabisado ka ng mga taong alang koneksyon sa family tree mo , at mga lugar na gustong gusto mong puntahan ngunit kapos ang abot ng bulsa mo.

sa lahat ng subject ko ngayong kolehiyo isa din ito sa mahirap na subject ko kasama na ung accounting dun (pakibasa na lang ung blog kong ACCOUNTING). bakit mahirap?! siguro dahil primarily hindi nagtuturo ang teacher namin. pangalawa hindi kami ganun kagaling magreport. pangatlo hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa naming kabisaduhin ang mga festival sa mga regions gayung nakabisado na namin ang lalawigan at kabisera nito! . at siguro ang pinakatamang dahilan kaya mahirap ang subject na ito. dahil ang QUIZ NIYA AY UMAABOT NG 165 ITEMS NA HINDI NAMIN ALAM DAHIL UNG QUIZ NIYA AY HINDI NAREPORT NG MGA REPORTER AT PARANG UNG EXAM AY MINUMURA KAMI DAHIL SA SOBRANG HIRAP NA WALA KAMING MAISAGOT KUNDI CHECK lAMANG SA MODIFIED TRUE OR FALSE!!!! (huu taeng yan hirap kaya nun!!! )

nitong nakaraang thursday ata,, ngsimula kaming magdiscuss ng SINAUNANG TAO hanggang SIMULA NG REHIMENG KASTILA !!,, kung sa highskul nadidiscuss to ng 2 months or less sa college kayang idiscuss to ng 1 and half hour!! may paliguy liguy pa yun katulad ng pagkapango ng mga pILIPINO, kapatid ng asawa ng prof mo , at anung tawag sa mga ITA pag nasa bulacan or pampanga sila nakatira, at mga delicacies katulad ng pinangat!! . ganyan ang history namin..

so aun na nga nung monday nag QUIZ kami,, mga 7 pages (times 1 mo den times mo pa ulit un sa 50 equals nun un ung nakolekta ng prof namin para sa bayad nun ! overpricing siya, 60 cents lang magpapotocopy nun nu, minsan nga filing namin sinasadya niya na lang mag lagay ng napakalaking font para sayang sa page ee nang makakuha siya ng kikbak sa mga makokolekta nia samin.) so ayun ,sa 7 pages na un ,, mga 200+ points ata un,, wew, ung isang part dun na kailangan ng blank map!! ee ala kaming dala, so we leave it blank na lang :) ahaha,, tapos basta, promise para talaga akong minumura ng papel na un,, puro KASTILA ,, POLO, BANDALA, at kung anu anu pa (makabasa nito at makarelate for sure kaklase ko un) . aun natapos ko naman ang SHORT quiz na un at nakapagmove on nanaman...

pero dahil sa subject na ito,, nakapunta ako sa kung saan saan para lang makapunta sa mga museum na sinayang ang pera namin ( kasi ung iba 50 pesos ung entrance pero panget, ung sa AYALA lang talaga ung naenjoy ko kasi kahit 75 aircon na dami ko pang natutunan) ayun.. nakapunta ako ng ayala, recto, pasay, etc. etc. na hindi ko pa napupuntahan. kami ang kampon ni DORA haha...


masaya naman ang history, tanggalin mo lang ang teacher, quizzes, at museum. at mga petsa , at mga tauhan (magellan, legaazpi, de goiti etc) at mga lugar ( CAGAYAN- Tuguegarao city LAMBAK NG CAGAYAN) ,,,,


aun,, minsan nga naiisipko favorite ko na ito ee!! *sanay na kasing bumagsak sa mga quizzes nito!



filing ko ang gulo ng blog kom, promise.>>>

yogurt experience!

nung una talaga bago ko bilhin un sa grocery,, kala ko masarap,, dahil ineendorse siya ng isang sikat na artista at napakaganda ng kanyang packaging (pleasing to the eyes), pero ang lasa hindi pala kasing ganda ng panlabas!! (syet looks are deceiveing talaga! ). ayun,, ung Yogurt na strawberry ng nestle. hindi ko siya maapreciate ng sobra sobrA! parang may lasang kung anu,, nanunuot sa lalamunan,, wew,, nakaka ALO.(nakakasuya) .....

tskk,, kala ko talaga napakasarap nia,, putik chinaga ko na lang na kainin lahat at baka makita ng nanay ko na hindi ko inubos ee malintikan pa ko!! ...

hmm,, pagkatapos kung kumain nun,, tumira kagad ako ng yakult!!! (okay na talaga tiyan ko!! haha)...

hmmm,,,haist,, wat a waste! x(