Monday, October 25, 2010

Dear jeepney,

..siguro simula pa lang ng 2 years old ako or 1 year old, ee nakasakay na ko sa jeep,, wew,, sa jeep mo lang mararanasan ang iba't ibang pangyayari sa buhay mo, minsan combo pa kung dumali ung mga ganung pangyayari..hai nako,,

lista ko sainyo ung mga posibleng mangyari o nangyari sa inyo sa loob ng jeep,,

1st scenario : Ayaw mag-abot ng katabi mo ng bayad mo,
-etong scene na to madalas mangyari sakin to lalo na pag papunta ako ng PUp,, takte,, sarap hambalusin ng mga taong ganito,, parang mga lulang ewan na gusto pang makarinig ng bongga mong sigaw with matching megaphone pa para lang marinig ang sinasabi mong "BAYAD PO!!",, takte,, sumpain ung mga taong ganito

2nd scenario : Papasok ka sa jeep na puno at filing mo ayaw magpaupo ng mga tao sa loob.
-grabe,, eto madalas din talaga akong mabiktima nito,, ung tipong gusto mo ng titigan ng masama ung makakatabi mo para lang malaman niya na uupo ka? at patanaw sakanya na hindi kayo nakasakay sa bus na uso ang standing obation,, grabe,, nakakaasar pa, makakaupo ka nga takte, wala pa sa 1/4 ng puwet mo ang makakaupo,, grrr :|

3rd scenario - Manakawan!
-madaming modus operandi ang mga magnanakaw sa loob ng jeep,, ung iba pasimple katulad ng mga laslas gang, salisi gang (ung pag natutulog ka), ung iba naman complicated, madami sila as in madami, ung tipong puno ung jip isa lang ang hoholdapin nila :)) ahahaha,, muntanga siguro pag ganun,, haha,, JK..

4th scenario- ung papasiksikin ka pa ng barker ng jeep kahit alam na niyang wala ng space.
- the same lang din nito ung number two pero applicable to sa mga may pila ng jeep, ung may mga barker,, tae ,, kung alam lang ng mga barker ung feeling ng isiksik ka sa loob ng jeep para lang mapuno ang dosehan na jeep,, taeng yun,, sasabihin "sa kaliwa pa boy meron pa" tae,, kaliwa sige isiksik mo ko!! tae yung mga ganun!..

5th scenario - mga cut trip ng driver
-nangyari na sakin to pero madalang lang,, nangyayari to pag ikaw na lang magisa sa jeep tapos sasabihin sayo,, "boy gagarahe na ko" ,, tapos babalik sayo ung bayad mo tapos sasakay ka ng ibang jeep,, langya,, sabihin ko sana,, e ano manong kung gagarahe ka na? tae,,

6th scenario - napakalakas na sound ng jeep..
- oo maganda ang sounds sa jeep, takte pero kung kasing lakas nun ung trip ng mga PATOK sa cubao ee badtrip sila!! tae kumakabog ung puso ko sa lakas ng bass ng sounds dun,, grabe,, tapos magtatanongan kayo ng "ano" ng driver o nung assistant niya kung saan o ilan ung binayad mo ( kasi sa lakas hindi magkaintindihan) ...

7th scenario - makakatabi ka ng mabaho, manyak etc.
- ung manyak hindi ko pa nararanasan kasi lalaki ako pero may naririnig akong mga babaeng nakakasabay ng mga lalaking manyak,, ayun,, ung mabaho, takte badtrip ako pag ganito, hindi naman sa inaano ko sila pero takte nababadtrip ako lalo na pagpapunta pa lang ako sa pupuntahan ko,, tae un! :)...



ayun,, yan lang ung mga alam kong mga scenario sa loob ng jeep,, kung may nalalaman pa kayo ikoment niyo na lang,, haha,, ayun ,,

oo sige na minsan isa din ako sa mga perwisyo sa llob ng jeep pero hindi naman palage haha,, aminado ako dun :)) ahaha,, aun,, baka ung nnext blog ko ee sa loob ng bus or MRT :) ahaha,,

aun,, tapos na to )

--joshua alarcon

No comments:

Post a Comment